~ Itsy Beatsy Bea ~

project happier beapots

EMBOA: Handog Pasasalamat, a Christmas Thanksgiving

on December 22, 2015

image

Queue in Christmas music: “Malamig ang simoy ng hangin, kay saya ng bawat damdamin…” Brrr.. Lumalamig na ang klima, sumisiya na ang kapaligiran at ramdam na din ang diwa ng Kapaskuhan. Christmas is indeed in the air!

At dahil Pasko na, panahon na din ng regalo, caroling, simbang-gabi, get-togethers at thanksgiving. Sabi nga “Bless to be Blessed” o “Blessed to be a Blessing”. Masaya mamahagi ng biyaya na syang ginawa ng samahang EMBOA (Ermita Malate Business Owners Association) nun nakaraang Huwebes.

December 17, 2015 (Thursday), Remedios Circle, Malate“Maligayang Pasko, Handog Pasasalam ng EMBOA”, Hindi matatawaran ang kasiyahan naidulot ng pag-awit ng Christmas Carols ng Philippine Women’s University (PWU) Choir at pag-indak ng mga Universidad De Manila (UDM) Dancer sa entablado. Hindi rin maitatago ng may tinatayang 500 kabataang kapus palad (edad 7-12 años) ang kanilang mga ngiti ng mabahagian ng gift bags mula EMBOA, lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila at iba pang pribadong sektor.

image

image

Ayon kay Michelle Pe (EMBOA President) ang gift giving at simpleng Christmas production nun ay pamamaraan nila upang magbigay ng pasasalamat sa 16 barangay na naging katuwang ni EMBOA na muling ibalik ang dating sigla at ganda ng Ermita, Malate.

“This Christmas Season, we wanted to share joy, love, happiness, and peace to the people most especially to the less fortunate kids. We want them to know we care for them, same as we care a lot for the development of Ermita, Malate.”

– Michelle Pe –

image

image

Dumalo din sa pagdiriwang si Manila Mayor Joseph Estrada at nagpaabot ng pasasalamat sa mga kasaping barangay at nangako sa mga residente at negosyante ng Ermita na maasahan nila ang ayuda ng lokal na pamahalaan hingil sa kanilang mabuting layunin.

Samantala, inaasahang magdaraos at maglulungsad pa ng samu’t saring proyektong kapayapaan at pagpapaunlad ang EMBOA sa darating 2016 ayun sa layunin nilang maibalik ang ningning ng Ermita, Malate.

Beaucoup D’amor,
Beapots

Follow EMBOA:
Website: http://www.emboa.com.ph
Facebook: https://m.facebook.com/ErmitaMalateRevival

Follow me:
Facebook: https://www.facebook.com/beatrixsy
Instagram: @beapotsy
Twitter: @beapotsy

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: